Pagpaslang sa 2 pulis sa Albay, kinondena ng dalawang Bicol solons

Kapwa mariing kinondena nina Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co at Albay 2nd District Representative Joey Salceda ag pagpatay kina Philippine National Police (PNP) Chief Master Sergeant Joseph Ostonal at Cpl. Jeffrey Refereza.

Sina Ostronal at Refereza ay nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang salarin na sakay ng motorsiklo noong nakaraang linggo sa bayan ng Oas habang sila ay nagpapatrulya sa Barangay Ilaor Sur.

Kaugnay nito ay nananawagan sina Co at Salceda ng agaran at malalimang imbestigasyon para makamit ng mga biktima ang hustisya sa lalong madaling panahon.


Dumalaw na rin sina Co at Salceda sa lamay ni Chief Master Ostonal.

Kasabay nito ay nangako rin si Co na magpapa-abot ng agarang tulong sa naulilang mga pamilya ng dalawang magiting na pulis.

Facebook Comments