
Mariing kinondena ng Korte Suprema ang karumal-dumal na pamamaslang kay Atty. Joshua Lavega Abrina, Officer-in-Charge ng Administrative Division ng Port Management Office sa Palawan.
Sa isang pahayag, sinabi ni acting Chief Justice Marvic Leonen na agad nakipagtulungan ang Integrated Bar of the Philippines sa mga awtoridad upang imbestigahan ang krimen at mapanagot ang mga salarin.
Kaugnay nito, iniutos rin ni Justice Leonen ang masusing imbestigasyon at konsultasyon sa mga abogado sa iba’t ibang lugar para sa kanilang kaligtasan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang SC sa pamilya, kaibigan, at mga kasamahan ni Atty. Abrina.
Patuloy din anilang binabantayan ng Korte Suprema ang kaso at ang mga hakbang para protektahan ang mga miyembro ng legal profession.









