Mariing kinondena ng hanay ng kapulisan sa Pangasinan ang nangyaring pagpaslang sa isang batang babae na matatandaang natagpuan sa dalampasigan sa Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City.
Ayon sa inisyal na mga ulat, nakita ito ng maglive-in partner na magtutungo na sa dagat upang mangisda.
Pagkarating sa lugar ay tumambad ang isang wala nang saplot na katawan ng tinatayang nasa pitong taong gulang.
Ayon kay Pangasinan PPO OIC PCol. Arbel Mercullo, hindi umano titigil ang pwersa ng kapulisan hangga’t maibigay ang hustisyang nararapat para sa biktima at kaanak nito.
Binalaan din nito ang suspek sa likod ng karumal-dumal na krimen na hahanapin ito at pananagutin ng batas.
Samantala, nananawagan ang pamilya ng biktima sa publiko na sana umano ay pairalin ang pagiging sensitibo kasunod ng pagpapakalat ng litratong kuha sa biktima, humihiling ng respeto sa pinagdadaanan ng buong kaanak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









