Pagpaslang sa dalawang army intelligence officers, patunay na nananatili ang banta mula sa mga extremist group

Mariing kinondena ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong ang pagpaslang sa dalawang army intelligence officers na tinambangan sa Munai, Lanao del Norte noong Enero 3, 2024 habang sila ay nangangalap ng impormasyon kaugnay sa nangyaring pagsabog sa Mindanao State University (MSU).

Para kay Adiong, itong nakababahala dahil ito patunay na patuloy ang banta mula sa mga extremist group gaya ng Daula Islamiya-Maute sa kanilang rehiyon.

Bunsod nito ay nananawagan si Adiong ng kolektibong pagkondena at pagkakaisa laban sa karahasan at paghahasik ng matinding galit.


Kasabay ng paghahatid ng mensahe ng pakikiramay sa mga biktima, pagkilala sa kanilang tapang at karangalan ay nananawagan si Adiong na agaran silang mabigyan ng katarungan sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga salarin sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments