Pagpaslang sa isang mamamahayag sa Oriental Mindoro, isolated case lamang ayon sa PNP

Tiniyak ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na ligtas parin ang mga kagawad ng media sa paggampan ng kanilang tungkulin na ipaalam sa publiko ang mga napapanahong mga balita.

Ayon kay Philippine National Police Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., isolated case lamang ang nangyaring pananambang kay Cresenciano Aldovino Bunduquin ng Oriental Mindoro.

Bagama’t patuloy pa nilang inaalam ang tunay na motibo sa krimen ay humihingi ito ng kooperasyon sa media na agad ipaalam sa mga awtoridad kung nakakatanggap sila ng threat o banta sa kanilang buhay.


Sa ngayon aniya ay nakatuon ang imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group sa pagtunton sa kinaroroonan ng tumakas na suspek.

Nabatid na nasawi ang isa pang suspek at tukoy na ang armas at motorsiklong ginamit sa krimen.

Kahapon matatandaang naglabas ng P50,000 pabuya ang Presidential Task Force on Media Security sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga taong sangkot sa pagpatay sa broadcaster na si Bunduquin.

Facebook Comments