Mariing kinukundena ni Senator Grace Poe ang marahas na pagpaslang sa isang radio broadcaster sa Calapan City sa Oriental Mindoro.
Ang biktima ay si Cresenciano Aldovino Bunduquin, 50 anyos, ay pinagbabaril ng riding in tandem kaninang madaling araw.
Ayon kay Poe, sa bawat isang kasapi ng media na napapatay ay nababawasan ang mga naghahanap at tumutulong sa pagbibigay ng katotohanan gayundin ang boses ng komunidad.
Kinalampag ng senadora ang Philippine National Police (PNP) na agad maibigay ang hustisya at mapanagot ang mga salarin sa krimen.
Panahon na rin aniya para tapusin ang mga karahasan laban sa mga kasapi ng media na isang paraan upang matiyak ang kalayaan sa pamamahayag at upang may makuhanan ng tamang impormasyon ang publiko.
Facebook Comments