Mariing kinondena ng foreign ambassadors ng European Union, France, United Kingdom, Japan at Germany ang pagpatay kay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon mula sa Misamis Occidental sa Mindanao.
Ayon kay European Union Ambassador to the Philippines Luc Vero, kasama sila ng Pilipinas sa pagkondena sa pamamaslang sa radio broadcaster.
Dito sumuporta rin ang ambassador ng Germany, United Kingdom, France at Japan sa pamamagitan ng pag-share sa social media post ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nag-utos sa pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para mabigyan ng hustisya ang biktima.
Anila, ang pag-atake sa mga mamamahayag ay hindi dapat kunsintihin dahil maaring banta ito sa kahalagahan ng demokrasiya ng bansa.
Matatandaan nitong linggo, November 5 nang mangyari ang insidente at pagbaril kay Jomalon o mas kilalang si DJ Johnny Walker habang naka-live on air ito sa kanyang programa.
Samantala, nagpaabot naman ang limang envoy ng pakikiramay sa pamilya Jumalon.