Pagpaslang sa Zamboanga del Norte RTC judge, kinondena

Mariing kinondena ng Supreme Court (SC) ang pagpatay kay Zamboanga del Norte Regional Trial Court Branch 11 Judge Reymar Lacaya.

Dahil dito, hinimok ni SC Chief Justice Lucas Bersamin ang pulisya na bilisan ang imbestigasyon para agad madakip ang suspek.

Si Lacaya ang ika-30 hukom na pinaslang habang nasa serbisyo.


Sabi ni Bersamin, bumuo na ang Korte Suprema ng mga hakbang para matiyak ang seguridad at maimbestigahan ang kaso ng mga pagpatay sa mga hukom.

Noong 2005 aniya nang maarpubahan ang SC guidelines for detail of court personnel and security judges na sakop ang lahat ng korte.

Sa ilalim nito, ang hukom na nakatanggap ng banta sa buhay ay maaring mag-apply sa PNP o sa security committee ng SC para sa proteksyon.

Lumagda rin ang Office of the Court Administrator ng Memorandum of Agreement sa PNP noong 2005 kung saan pinagkakalooban ng permits ang mga judges na magbitbit ng baril kahit sa labas ng kanilang station.

Facebook Comments