Pagpasok ng amendments sa pambansang pondo, papayagan lang sa second reading

Mahigpit na ipatutupad ng Senado ang patakaran na tanging sa second reading lamang ng General Appropriations Bill (GAB) maaaring magpasok ng amendments ang mga senador.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, papayagan ang lahat ng individual amendments ng mga senador sa gitna ng pagtalakay sa second reading ng budget sa plenaryo.

Ibig sabihin, kung ang mga senador ay may gustong gawin na paglilipat, pagbabawas, o pagdagdag ng pondo sa isang ahensya, lahat ng ito ay gagawin bago aprubahan sa ikalawang pagbasa sa Senado.

Malinaw aniya na walang insertion o amyendang gagawin sa pambansang pondo ‘pag sumapit na ito sa ikatlo at huling pagbasa at sa bicameral conference committee.

Bukod dito, para sa mas pinalakas na transparency, ang livestreaming ng lahat ng proseso ng budget kasama ang bicam ay gagawin hindi lang sa Facebook page ng Senado at Kamara kundi pati na rin sa YouTube accounts ng dalawang kapulungan.

Facebook Comments