Pagpasok ng Amihan season, maramdaman na sa katapusan ng buwan ayon sa PAGASA

Mararamdaman na sa katapusan ng Oktubre ang pagpasok ng Amihan season o northeast monsoon sa bansa.

Ayon kay PAGASA Specialist 2 Benison Estareja, tapos na ang panahon ng southwest monsoon o Habagat at nasa transition period na para sa pagpasok ng Amihan.

Aniya, sa loob ng isa hanggang dalawang linggo ay mararamdaman na ang malamig na panahon.


Ani Estareja, ang hanging amihan ay magmumula sa Mainland Asia partikular sa China at Siberia.

Noong Oktubre 11 nang ideklara ng PAGASA ang pagtatapos ng Habagat season.

Facebook Comments