Pagpasok ng Chinese vessel sa West Phil. Sea, inaalam ng Joint Task Force West Philippine Sea

Manila, Philippines – Wala pang naisusumiteng report ang Joint Task Force West Philippine Sea sa Armed Forces of the Philippines kaugnay sa presensesya ng Chinese vessel sa Pagasa Island.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo, sa ngayon ay patuloy pa ang beripikasyon ng task force ukol sa naturang ulat.

Pero, siniguro ni Arevalo na binabantayan ng AFP ang anumang development sa Pagasa Island.


Katunayan ayon kay Arevalo, may competent body ang joint task force para i-handle ang sitwasyon.

Ang Joint Task Force West Philippine Sea ay binuo noong nakaraang taon at pinamumunuan ng national security adviser katuwang ang labing limang agencies gaya ng DFA, AFP, PNP, BFAR at iba pa.

Facebook Comments