Pagpasok ng COVID-19 XBB subvariant sa Pilipinas, ibinabala ng isang eksperto

Nagbabala ang isang infectious disease expert na posibleng makapasok sa Pilipinas ang COVID-19 XBB Omicron subvariant.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, bunsod ito ng pagbukas ng borders ng bansa at ang pagkakaroon natin ng flights sa Singapore araw-araw.

Mababatid na nakararanas ng pagsirit sa kaso ng COVID-19 ang Singapore dahil sa XBB subvariant na may kakayahang makaiwas sa proteksyon na binibigay ng bakuna.


Dahil dito, iginiit Solante ang kahalagahan ng pagsuot ng face mask at pagturok ng booster shot sa gitna ng bagong banta sa publiko.

Facebook Comments