Nanawagan ang Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) sa pamahalaan na ihinto muna ang pagpasok ng imported na manok dahil sa paglaganap ng bird flu sa Asya at Europa.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, dapat pansamantalang ipahinto ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng mga poultry products hanggang hindi naipapatupad ang border inspection sa lahat ng imported na agriculture at food products.
Aniya, tanging ang Pilipinas lamang ang walang standard inspection sa mga pumapasok na imported na pagkain.
Giit pa ni So, dapat natuto na ang gobyerno nang makapasok ang African Swine Fever at COVID-19 dahil hindi naghigpit ang bansa.
Ang bird flu ay kilala rin bilang avian influenza na isang uri ng virus na mapanganib din sa mga tao.
Facebook Comments