Pagpasok ng ISIS sa Metro Manila – itinanggi ng PNP

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Philippine NationalPolice na nakapasok na sa Metro Manila ang teroristang grupong ISIS.
  Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos,haka-haka lang ang tungkol sa presensya ng teroristang grupo makaraang akuinnito ang pagsabog sa Quiapo, Maynila.
  Ayon kay Carlos, bagamat mayroong posibilidad ng banta ngseguridad sa Metro Manila, wala naman silang namomonitor sa banta ng terorismo.
  Katwiran nito, isasapubliko agad nila ang impormasyongito sakali mang makarating sa kanila, dahil makakatulong ang publiko paramaiwasan ito.
  Dito aniya kasi nila mas paiigtingin ang pagpa-paalala salahat na maging mapagmatyag sa paligid at ipaalam agad sa mga kinauukulansakali mang may mapansin silang kakaibang tao, gamit o aktibidad.
  Payo pa ni Carlos, kung may ganitong mapapansin, agad natumawag sa 911 at sila na ang bahalang umaksyon dito.
   

Facebook Comments