Pagpasok ng kabataan sa computer shops sa oras ng klase, ipinagbawal sa Quezon City

Quezon City – Hihigpitan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagpasok ng mga kabataan sa mga computer shop.

Ayon kay QCPD Chief Guillermo Eleazar, ito ay upang hindi na lumabag ang mga menor de edad sa curfew hour na ipinapatupad sa lungsod kung saan ipinagbabawal na din ang mga bata na pumasok sa computer shop kasabay ng kanilang oras sa eskwelahan.

Dagdag pa ni Eleazar, dapat ang mga barangay opisyal ang mismong magpatupad nito at ang mga pulis lamang ang kanilang magiging alalay kapag nagkaroon ng malaking problema.


Ipinaalala pa ng opisyal na ang mga mahuhuling mga menor de edad na lumalabag sa ordinansa sa Quezon City ay hindi mapapatawan ng batas kundi ang mga magulang at tagapag-alaga ng mga ito.

Facebook Comments