Cauayan City, Isabela- Naka-total ban na sa Lalawigan ng Cagayan ang pagpasok ng mga buhay na baboy at anumang mga produkto nito batay na rin sa nilagdaang Executive Order no. 24 ni Governor Manuel Mamba noong araw ng Lunes, September 7, 2020.
Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan Newsteam, ipinagbabawal na sa Lalawigan ang pagpasok ng mga live hogs, fresh, frozen at processed pork products na manggagaling sa ibang mga probinsya sa rehiyon dos.
Layon ng EO No. 24 na walang makalulusot na baboy at pork products sa Cagayan upang hindi mapasok at kumalat ang sakit ng baboy na African Swine Fever (ASF) na umatake sa ilang bayan sa lalawigan ng Isabela.
Mahigpit na itong ipinatupad ng pamahalaang panlalawigan at nagsagawa na rin ng information drive sa mga bayan upang ipagbigay alam ang nasabing direktiba.
Pinapaalalahanan din ang mga cinsumers na huwag bumili ng karne ng baboy o pork products sa mga walang sertipikasyon mula sa National Meat Inspection Service (NMIS).