PAGPASOK NG MGA BABOY GALING SA BULACAN, PAMPANGA, TARLAC AT NUEVA ECIJA, IPINAGBABAWAL SA PANGASINAN

Pansamantalang ipinagbabawal ang pagpasok ng mga baboy mula sa Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija sa lalawigan ng Pangasinan.
Base sa inilabas na Executive Order No. 0195 s.2022, simula nitong October 26 hanggang December 31, 2022 ay bawal munang pumasok ang mga baboy sa nasabing mga probinsiya.
Layunin ng kautusan na maprotektahan ang swine/hog industry ng Pangasinan lalo na ang publiko sa epekto ng African Swine Fever.

Inatasan na rin ng Provincial Government ang Provincial Veterinary na magpatuloy sa pagsasagawa ng quarantine checkpoints.
Ang mga Local Chief Executives naman ay kinakailangang paigtingin ang biosafety at sanitasyon sa mga slaughterhouse, abattoir at public markets.
Hinikayat naman ang lahat na ireport agad sa kinauukulan sakali mang magkaroon ng suspected ASF cases sa kanilang lugar. |ifmnews
Facebook Comments