Pagpasok ng mga dayuhang turista sa bansa, nananatiling suspendido

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na suspendido pa rin ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang turista.

Ang paglilinaw ng BI ay sa harap ng muling pagpapalawig ng pamahalaan sa temporary travel ban sa mga pasaherong magmumula sa sampung mga bansa hanggang sa Septyembre 5 ng taong ito.

Kabilang sa naturang mga bansa ay ang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia.


Ang tanging pinahihintulutan lang ngayon na makapasok ng bansa ay mga Pilipino, balikbayan at ang may mga valid at existing visas.

Facebook Comments