Welcome sa Philippine National Police ang pagpasok ng National Bureau of Investigation para imbestigahan ang nangyaring pagkamatay ni Calbayog City Mayor Rolando Aquino.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana na bagama’t papasok na rin ang NBI ay hindi naman nito maaapektuhan ang kanilang nauna nang isinasagawang imbestigasyon.
Makakatulong din aniya ang NBI para mas mapadali ang pag-iimbestiga lalo na’t maraming tinitingnang anggulo ngayon kagaya ng kung pinatay nga ba o nakipagbarilan ang grupo ng alkalde.
Samantala, bukod sa PNP at NBI, isinusulong na rin ngayon ni Samar 1st District Rep. Edgar Sarmiento sa kamara ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang sa alkalde.
Facebook Comments