Pagpasok ng Omicron variant sa bansa, hindi mapipigilan – DOH

Iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na malaki ang tyansa na makapasok ang Omicron variant sa bansa.

Paliwanag ni Vergeire, sa simula pa lamang ay batid nang hindi mapipigilan ang pagpasok ng Omicron sa Pilipinas.

Ang tanging paraan lamang ay pabagalin ang pagpasok ng Omicron variant sa pamamagitan ng paghihigpit ng border control.


Kasabay nito ang pagmomonitor sa kalagayan ng ibang bansa lalo na yung may mga kaso na ng Omicron.

Hinihikayat ni Vergeire ang publiko na patuloy na sumunod sa health protocols at magpabakuna na para may karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 at sa mga variant nito.

Facebook Comments