Pagpasok ng Omicron variant sa Pilipinas, hindi na maiiwasan pa – DOH

Inihayag ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na hindi na maiiwasan pa ang pagpasok ng Omicron COVID-19 variant sa bansa.

Ayon kay Duque, kagaya rin ito ng ating naranasan noon sa iba pang variant of concerns.

Sa ngayon aniya, kinakailangan na lamang na paigtingin ang istratehiya ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat nito.


Habang bukod sa patuloy na vaccine rollout ay muli ring iminungkahi ni Duque ang pagsusuot ng face shields sa 3C’s o yung crowded, close contact at confined and enclosed spaces.

Kasunod nito, sinabi pa ni Duque na dapat paghandaan ang worst case scenario ng health care system kahit mababa na sa ngayon ang naiitalang bagong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments