Pagpasok ng tag-ulan, idineklara na ng PAGASA

Idineklara na ng PAGASA ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Ito ay matapos na maabot na ang criteria bunga ng mga dami ng ulan na naitala sa nakalipas na araw sa western sections ng Luzon at Visayas

Kasama na rito ang ang mga thunderstorms at habagat na nagdala ng mga pag-ulan.


Malaki rin ang tsansa na ma-develop ang La Niña mula July-August-September period.

Dito, inaasahang above-normal rainfall sa ilang lugar sa bansa hanggang sa katapusan na taon.

Sa susunod na linggo ay asahan ang monsoon breaks o paghina ng mga pag-ulan.

Payo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko ibayong pag iingat sa mga pagguho ng lupa at ibang Salina na bunga ng mga mararanasang pag ulan.

Facebook Comments