Pagpasok ng tag-ulan, posibleng maantala dahil sa El Niño

Posibleng maantala ang pagsisimula ng wet season o tag-ulan dahil sa nagpapatuloy na El Niño phenomenon.

Base sa Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) ng Climatology and Agrometeorology Division (CAD) ng DOST-PAGASA, inaasahang magtatagal ang El Niño sa Hunyo hanggang Agosto.

Ayon kay Jorybell Masallo, senior weather specialist ng CLIMPS – kadalasan ang tag-ulan ay nagsisimula sa ikalawang bahagi ng Mayo o unang bahagi ng Hunyo pero mauurong ito dahil sa El Niño.


Matatandaang nagsimula ang El Niño sa bansa nitong Pebrero.

Facebook Comments