Pagpasok ng Turkish terrorist sa bansa, patuloy na kinukumpirma ng AFP

Manila, Philippines – Bineberipika pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may Turkish terrorist ang nakapasok sa bansa.

Nabatid na ipinahayag ni Turkish Ambassador to the Philippines Esra Cankour na may mga kaalyado ang Fetullah Gulen Movement ang nasa Pilipinas.

Si Gulen ay isang US-based cleric na inakusahan ng Turkey na sangkot sa kudeta laban sa kanilang pangulo Tayyip Erdogan.


Ayon kay AFP Spokesperson Brig/Gen. Restituto Padilla – nakikipag-ugnayan na sila kay Cankour para rito.

Una nang kinumpirma ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na mayroon na silang intelligence report na nasa Pilipinas na ang teroristang grupo.

Kasabay nito sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mananagot ang mga nasa likod ng mga sumusuporta sa terorismo.

Muli namang nanawagan ang Malakanyang sa lahat ng mga bansa na magtulungan para labanan ang terorismo na itinuturing na banta sa kaayusan at kapayapaan.

Facebook Comments