Naniniwala ang isang kongresista na nilabag ng TV network na TV5 ang kanilang broadcasting franchise.
Pahayag ito ni Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta kasunod ng pagpasok ng TV5 sa isang partnership agreement sa broadcasting network na ABS-CBN.
Mababatid na kinumpirma noong Biyernes na ibinenta ng TV5 ang 35% ng stakeholdership sa ABS-CBN sa halagang 2.16 billion pesos.
Sa kaniyang privilege speech, sinabi ni Marcoleta na nilabag ng TV5 ang Section 10 ng kanilang prangkisa kung saan pinagbabawalan ang network na makipag-merge sa ibang kumpanya nang walang pahintuloy ng Kongreso.
Ayon kay Marcoleta, ang pagbenta ng stocks ng TV5 sa ABS-CBN ay tila paglipat ng kanilang karapatan at obligasyon sa prangkisa.
Facebook Comments