Pagpasok sa 6 kilometer permanent danger zone sa Bulkang Mayon, ipinagbabawal pa rin sa kabila ng pagbaba ng alerto nito

Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok ng publiko sa six kilometer permanent danger zone sa Bulkang Mayon.

Ito ay kahit ibinaba na kahapon ng PHIVOLCS ang alert level ng Bulkang Mayon sa alert level 1 mula sa dating alert level 2.

Babala ng PHIVOLCS, posibleng magkaroon pa rin kasi ng hindi inaasahang rockfalls o phreatic eruption sa summit ng bulkan kahit ibinaba na ang alerto nito.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PHIVOLCS Dir. Teresito Bacolcol na ibinaba ang alerto ng Mayon sa level 1 dahil na rin sa mga parametro tulad ng volcanic earthquake na nananatiling mababa simula pa noong Enero.

Bukod sa Mayon, nananatiling nasa alert level 1 ngayon ang ilan sa active volcanoes sa bansa tulad ng Taal, Kanlaoon at Bulusan.

Facebook Comments