Pagpasok sa bansa ng multi milyong dolyar ng mga Chinese, nagpapatuloy hanggang ngayon

Umaabot sa 633-million dollars o 32-billion pesos ang halagang naipasok ng mga Chinese Nationals sa bansa at idinaan sa airport simula noong September 2019 hanggang ngayong araw.

Ito ang lumabas sa pagdinig na isinasagawa ngayong ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.

Sa impormasyon ni Gordon sa nakaraang limang araw ay umabot pa sa 6.1-million dollars o 310.16 million pesos.


Pangunahing tinututukan sa hearing ang money laundering acitivies na isinasagawa ng ilang Chinese National na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa hearing ay binanggit ni Gordon na lima o anim na sindikado ang nagpapasok ng pera sa bansa kabilang ang pamilya rodriguez na maraming beses umanong nagpasok ng pera mula sa Hong Kong at Singapore.

Dumadalo ngayon sa pagdinig ang mga opisyal ng Anti Money Laundering Counil, Department of Justice (DOJ), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP).

Hindi naman dumating ang mga inimbitahang miyembro ng gabinete.

Kabilang din sa imbitado sa pagding ngayon si PNP Chief General Archie Gamboa na nasa ospital pa rin makaraang bumagsak ang sinasakyan nyang chopper kasama ang iba pang opisyal ng PNP.

Facebook Comments