Pagpataw ng buwis sa mga salty foods, hindi pa raw napapanahon – TUCP

57

Manila, Philippines – Nagpakita na rin ng hindi pagsang ayon ang labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa planong pagpataw ng buwis sa mga salty foods at food ingredients.

Sa halip nagmungkahi ang grupo na  bumuo na lang ang pamahalaan  ng malusog, abot-kaya at katanggap-tanggap  na mga alternatibo kaysa buwisan ang maalat na pagkain.


Ayon kay ALU-TUCP National Executive Vice Peesident Gerard Seno, kapag itinuloy daw ang pagsusulong sa panukala, mistulang itinutulak na ng gobyerno ang mga mahihirap na tuluyang masadlak sa kahirapan sa halip na iangat ang kabuhayan.

Kung sakali namang itaas ang sahod ng mga manggagawa at magkaroon ng mga murang pagkain na abot kaya sa merkado, ito na umano marahil ang panahon na pag-usapan ang pagpataw ng buwis sa maaalat na pagkain.

Aniya, dahil hindi sapat ang pasahod sa  mga manggagawa pinagkakasya na lamang ng pamilya ang budget sa pagbili ng mga salty foods tulad ng instant noodles, food flavoring, snacks, at tuyo.

Walang aniyang pagpipilian ang mga manggagawa kundi ang bilhin ang mga ito dahil mas mura kumpara sa iba na mataas ang presyo.

Facebook Comments

From Advertisers