Pagpataw ng multa sa MWSS, magsilbing ‘wake up’ call – DENR

Manila, Philippines – Maituturing na wake-up call sa ilang malalaking kumpanya ang pag-pataw ng Korte Suprema ng ₱1.8 billion na multa laban sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at mga konsesyonaryo nito dahil sa hindi pagsunod sa environmental laws.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, nagpapasalamat sila sa desisyon ng mataas na hukuman na inaasahang magpapalakas sa rehabilitasyon sa Manila Bay.

Umaasa sila na marami pang tao mula sa justice system ang susuporta sa kanilang laban na pangalagaan at protektahan ang kapaligiran.


Umapela ang DENR sa MWSS at private concessionaires nito na tumalima sa kautusan ng Supreme Court (SC).

Facebook Comments