MANILA – Hindi pabor ang Manila Times columnist na si dating Press Secretary Rigoberto Tiglao sa paraan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para masusugpo ang krimen at droga sa bansa.Sa kolum ni Tiglao sa manila times noong April 15, hindi solusyon ang pagpatay para lamang masolusyunan ang kriminalidad.Ayon kay Tiglao, dito lang sa pilipinas nangyayari na kahit nakapatay na ng tao ay nakukuha pang kumandidato dahil kung sa ibang bansa ito ay siguradong patatalsikin ito kaagad.Kung siya anya ang magiging president ibabalik ni Duterte ng ilang daang taon ang kasaysayan ng pilipinas kung kailan ang naghahari ay iyon lamang may lakas ng loob na pumatay.Naniniwala naman si Tiglao na sisingilin si Duterte ng kanyang konsensya at hindi papatawarin ng kanyang relihiyon.
Pagpatay, Hindi Solusyon Sa Kriminalidad
Facebook Comments