Pagpatay kay Carl Arnaiz, kinondena ng grupo ng Millennials

Manila, Philippines – Kinondena ng grupong Millennials Against Dictators (MAD) ang pagpapahirap at pagpatay sa 19 taong gulang na estudyanteng si Carl Angelo Arnaiz.

Giit ng grupo, walang ibang dapat managot sa sinapit ni Arnaiz kundi si Pangulong Duterte dahil sa marahas niyang polisiya na lumikha ng isang kultura sa kapulisan kung saan bahagi na ang EJK at police brutality.

Anila, hindi na maituturing na isolated case ang kaso ng pagkamatay ni Carl.


Dahil dito, humihingi sila ng pagsisiyasat mula sa Ombudsman.

Wala ilang tiwala sa DOJ para kumilos para sa katarungan nang walang pagkiling.

Nanawagan din ang MAD para sa paghanap sa 14 taong gulang na kasama ni Carl na si Reynaldo de Guzman, na hanggang ngayon ay nawawala pa rin.

Nananawagan din ang grupo sa kapwa nila kabataan para magsalita at humanap ng katarungan para sa mga tinanggalan ng kakayahan.

Facebook Comments