Pagpatay kay Deputy Prosecutor Begtang ng LGU Ilagan City, Tututukan ng binuong Task Group

Cauayan City,Isabela- Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Apayao Police Provincial Office na siyang tututok sa imbestigasyon sa nangyaring pagpatay kay Deputy City Prosecutor Atty. Victor Begtang Jr. ng City of Ilagan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kanyang tahanan sa Brgy. Malama, Conner, Apayao noong June 24, 2021.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay PLT. Caroline Domyong, hepe ng PNP Conner, patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa pagpatay kay Begtang.

Kaugnay nito, patuloy naman ang ginagawang koordinasyon ng pamilya ng biktima at mga kapitbahay nito para malutas ang kaso.


Inihayag naman ng Apayao Police Provincial na isa sa kanilang kinokonsidera ang trabaho nito sa posibleng dahilan ng pagpatay sa kanya.

Una nang sinabi ni PLT. Domyong na multiple gunshot wounds mula sa caliber 45 ang ikinamatay ni Begtang, batay na rin sa lumabas na imbestigasyon ng crime laboratory.

Umaasa naman ang mga otoridad na malulutas sa lalong madaling panahon ang ginawang pagpatay sa biktima at mapapanagot ang nasa likod ng krimen.

Facebook Comments