Pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, pinapaimbestigahan sa Kamara

Isinulong ng ilang kongresista na magsagawa ng pagdinig ang mababang kapulungan kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo kung saan ilan ang nadamay at nasawi rin.

Naganap ito noong March 4 sa loob mismo ng compound ng kanyang bahay sa Barangay San Isidro, Sitio Nuebe Pamplona.

Ang hirit na imbestigasyon ay nakapaloob sa mga resolusyong inihain nina Representatives Jefferson Khonghun, Sancho Fernando Oaminal, Marie Bernadette Escudero, Francisco Paolo Ortega at Midy Cua.


Paliwanag ng mga kongresista, kailangan mag-imbestiga ang Kamara upang makatulong sa pagtukoy ng posibleng motibo ng mga salarin at makahanap ng hakbang pata mahinto na ang pagpaslang at pag-atake sa mga politiko.

Kaugnay nito ay pinagtibay naman ng mababang kapulungan ang isang resolusyon na nagpapaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Gov. Degamo.

Facebook Comments