Pagpatay kay Wesley Barayuga at Tanuan City Mayor Halili, inaalam ng PNP kung magka-ugnay

Pinag-aaralan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) kung may kaugnayan ang pagpatay kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga at Tanuan City Mayor Antonio Halili.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, kanila nang tinitingnan ang posibilidad na iisang grupo lamang ang trumabaho sa pagpaslang sa dalawang opisyal.

Ani Fajardo, lumalabas kasi sa pagdinig ng Kamara na pawang mga pulis ang isinasangkot sa krimen.


Gayunman, sinabi ni Fajardo na ayaw nyang pangunahan ang nagpapatuloy na imbestigasyon dahil maituturing ito na sensational cases.

Kaugnay nito, ipauubaya na lamang ng PNP sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang paghalukay sa kaso upang malaman ang mga dawit o utak sa krimen.

Facebook Comments