Pagpatay kina Kian delos Santos, Carl Arnaiz at ‘Kulot’ bahagi ng destabilization plot laban kay P-Duterte

Manila, Philippines – Posibleng bahagi raw ng planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpatay kina Kian Llyod delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo ‘Kulot’ De Guzman.

Ito ang hinala ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Percida Acosta.

Aniya, nagdududa siya kung bakit itinuloy pa rin ng mga pulis ang operasyon kay Kian kahit may CCTV sa lugar.


Habang sa kaso ni Carl Angelo, paiba-iba ang pahayag ng taxi driver na nakasaksi sa operasyon.

Bukod dito, wala namang ibinigay na iba pang basehan si Acosta sa anggulong destabilization plot na motibo sa pagpatay sa tatlong binatliyo.

Sabi naman ni Atty. Albino Valenciano, abogado ng mga akusadong pulis sa kaso ni Carl kalokohan ang teorya ni Acosta.

Facebook Comments