Inalmahan ng grupong Amnesty International ang naging hakbang ng mga pulis sa isinasagawang nationwide protest sa Lagos, Nigeria.
Ito’y matapos na pagbabarilin ng mga pulis ang nasa 12 nagki-kilos protesta sa may bahagi ng Lekki at Alausa sa Lagos, Nigeria kung saan una na itong itinanggi ng tagapagsalita ng mga otoridad.
Ayon pa sa grupong Amnesty International, umaabot na sa kabuuang bilang na 56 na katao ang napatay nang magsimula ang nationwide protest noong October 8, 2020 at maging si United Nations High Commissioner for Human Rights (UNCHR) Michelle Bachelet ay kinokondena rin ang hindi makataong pagpatay ng mga pulis sa Nigeria.
Nabatid na nagsasagawa ng malawakang kilos protesta ang mga mamamayan ng Lagos, Nigeria para kondenahin ang binuong Special Anti-Robbery Squad (SARS) na nasasangkot sa extortion, harassment, torture at murder kung saan binuwag naman na ito ng gobyerno pero nais pa rin ng mga nagkikilos-protesta na magkaroon ng reporma sa pagpapatupad ng batas sa gitna ng COVID-19 pandemic.