Mariing kinondena ni Senator Richard Gordon ang pagpatay ng riding-in-tandem sa isang kinse anyos na dalagita sa Cabugao, Ilocos Sur.
Ayon kay Gordon, dapat tiyakin na mananagot sa batas ang mga salarin sa naturang krimen na sinasabing parehong pulis na naunang nagmolestiya sa biktima.
Giit ni Gordon, ang panibagong krimen na kagagawan ng riding-in-tandem ay patunay sa pangangailangan na maipatupad sa lalong madaling panahon ang Motorcycle Crime Prevention Law para madaling matukoy ang mga gumagawa ng krimen na sakay ng motorsiklo.
Diin ni Gordon, mainam na paraan ito para mahinto ang mga ganitong uri ng krimen at agad mapanagot at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima.
Facebook Comments