Mariing kinondena ni Senator Richard Gordon ang pagpatay ng riding-in-tandem kay National Center for Mental Health Chief Dr. Roland Cortez at sa kanyang driver na si Ernesto dela Cruz.
Umaasa si Gordon na kahit nahaharap tayo ngayon sa COVID-19 pandemic ay magpupursige ang mga otoridad para mabigyan ng hustisya si Dr. Cortez at dela Cruz.
Dismayado si Gordon na patuloy na tumataas ang krimen na kagagawan ng mga magka-angkas sa motorsiklo at kakaunti lang sa mga ito ang nareresolba.
Giit ni Gordon, ang ganitong mga insidente ay patunay sa pangangailangan na maipatupad na ang Motorcycle Crime Prevention Act of 2019.
Ayon kay Gordon, daan ang batas para madaling makilala at agad mahuli ang mga kriminal na riding-in-tandem.
Facebook Comments