Pagpatay sa 19-anyos na lumad sa Davao Del Norte, kinondena ng Save Our Schools Network

Davao Del Norte – Mariing kinondena ng Save Our Schools Network ang pagpatay sa isang binatilyong Lumad sa Talaingod, Davao Del Norte kahapon.

Ayon kay Eulo Rico Bonganay, lead convenor ng Save our Schools Network, binaril ng CAFGU member na si Ben Salangani su Bay-ao ang 19 anyos na lumad student na si Obillo Bay-ao.

Sinadya ang pagpatay ng CAFGU kay Bay-ao dahil pinaghinalaan siyang miyembro ng New People’s Army.


Iginiit ng grupo na dahil dito, dapat nang ma-lift ang martial law dahil mas magbibigay daan lang ito sa pang-aabuso ng mga militar.

Si Bay-ao ay miyembro ng Salugpongan Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Center at sinasabing 47th victim na ng political killings sa Mindanao.

Facebook Comments