Pagpatay sa 2 sundalo at pagpapasabog ng IED ng NPA sa Palawan, isang desperadong aksyon ayon sa militar

Palawan – Desperado na ang mga miyembro ng New People’s Army sa Palawan kung kaya’t matindi na ang kanilang ginagawang pag-atake.

Ito ay kasunod nang kanilang ginawang pananambang sa dalawang miyembro ng Philippine marines kaninang umaga sa Roxas, Palawan at pagpapasabog ng Improvised Explosive Device sa Bataraza, Palawan.

Ayon kay AFP Western Command Spokesperson Capt. Cheryl Tindog, dahil sa walang tigil na civil military operation ng ginagawa ng WESCOM sa buong palawan kung kaya’t lumiliit na rin ang mundo ng NPA.


Sinabi pa ni Tindog na ang mga gawing ito ng NPA ay patunay lamang na palaging nangunguna ang CPP-NPA-NDF sa paglaba sa international humanitarian laws.

 

Facebook Comments