Thursday, February 19, 2026

Pagpatay sa airport manager ng Puerto Princesa City, kinundena ng CAAP

Kinundena ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pamamaril at pagkakapatay sa acting Airport Manager ng Puerto Princesa International Airport sa Palawan nitong Ash Wednesday.

Kaugnay nito, nananawagan ang CAAP ng malalimang imbestigasyon sa pagkakapatay kay Airport Manager Joanna Jonson-Infante.

Tiniyak din ng CAAP ang pakikipagtulungan nito sa imbestigasyon sa krimen.

Nabatid na bago binaril si Infante ay nakakatanggap ito ng death threats at may bumubuntot ditong nakasakay sa motorsiklo.

Facebook Comments