Pagpatay sa grab driver, ikokonsidera ng Senado sa pagbalangkas ng panukala para sa TNVS

Manila, Philippines – Nagpahayag ng mariing pagkondena si Committee on Public Sevice Chairperson Senator Grace Poe sa pagpaslang sa Grab driver na si Gerardo “Junjie” Amolato Maquidato Jr.

Si Maquidato ay binaril ng kanyang pasahero sa Pasay City nitong Biyernes at tinangay pa ang kanyang Toyota Innova.

Tiniyak ni Senator Poe na ikokonsidera niya ang insidente sa pagbalangkas ng panukala para sa tnvs o transport network vehicle services katulad ng Grab, Uber at Ihop.


Ayon kay Poe, sa bubuuing batas ay ipapaloob niya ang mga probisyon na magbeberipika sa pagkakakilanlan ng mga pasahero para matiyak ang seguridad ng mga drivers o partners ng transport network companies.

Kasabay nito ay iginiit ni poe sa mga otoridad na gawin ang lahat para madakip at mapanagot sa batas ang suspek.

Pinayuhan din ni Poe sa Grab Philippines na ipakita ang buong kooperasyon sa pulisya para mabigyan ng hustisya ang biktima.

Dagdag pa ng senadora, nararapat ring gamitin ng Grab ang teknolohiyang mayroon ito para matunton ang pagkakilanlan at pinanggalingan ng mga salarin.

Facebook Comments