Pagpatay sa ilang opisyal sa loob ng kanilang mga tanggapan, ikinababahala ni VP Robredo

Ikinabahala ni Vice President Leni Robredo ang paraan ng patayan sa bansa sa nakalipas na linggo kung saan ang ilang opisyal na napapaslang sa loob ng kanilang mga sariling opisina.

Nabatid na binaril ng mga hindi pa nakikilalang ng mga suspek sa loob ng munisipyo si Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez na kabilang sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, iginiit ni Robredo na dapat mahigpit ang seguridad sa lugar.


Ang kinatatakutan pa ng Bise Presidente ay hindi lang ito unang beses na nangyari.

Para kay Robredo, tila nagiging normal na ang mga ganitong klaseng patayan.

Tanong niya ngayon kung bakit ito hinahayaang mangyari at walang napapanagot.

Lalabas lamang aniya na nabigo lamang ang mga awtoridad na maglatag ng solusyon sa mga patayan at mas gaganahan lamang ang mga masasamang loob na ipagpatuloy ang kanilang gawain.

Facebook Comments