Pagpatay sa isang acting election officer sa Catbalogan, Northern Samar, kinondena ng COMELEC

Mariing kinondena ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpaslang sa isang acting election officer sa Catarman, Northern Samar.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, nananawagan sila sa otoridad na tiyaking mapapanagot ang mga may sala para maibigay ang hustisyang nararapat sa kanilang kasamahan.

Matatandaan kahapon, Nobyembre 18 nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek si Election Officer James Diaz Maghanoy sa Barangay Samoge, Catarman.


Nagtamo ng tig-isang tama ng baril sa ulo at katawan ang biktima.

Facebook Comments