Kinondena ng Palasyo ng Malacanang ang insidente ng pagpatay sa isang opisyal ng Pamahalaan sa Dinagat Islands.
Binaril kasi at napatay si Dinagat Board Member Wenefredo Olofernes habang ito ay nakasakay sa motorsiklo pauwi sa San Jose, Dinagat Islands habang ito ay nasa Surigao City, Surigao Del Norte.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, senseless ang pamamaslang sa Board Member at nanawagan din ito sa Philippine National Police na magsagawa ng mabilis at malalim na imbestigasyon sa pamamaslang.
Sinabi ni Nograles, nasa 100 libong piso na ang inalok ng PNP sa sinomang makapagtuturo at magiging daan ng pagkakaaresto ng hindi pa natutunton na suspect sa pamamaril.
Pero sinabi naman nito na isa ding isolated case ang pagpatay kay Olofernes at nangako din naman ito na paiigtingin pa ang pagpapatupad ng kapayapaan at seguridad sa Mindanao.