CAMARINES NORTE – Mariing kinondena ng PDEA ang brutal na pagpatay sa kanilang Assistant Provincial Officer sa Camarines Norte na si Enrico Barba.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, kagagawan ito ng sindikato ng droga na may layuning pahinain ang determinasyon ng ahensya na durugin ang operasyon ng illegal drugs sa Bicol Region.
Noong nakaraang Pebrero 18, naiulat na nawawala si Barba matapos makipagkita sa isang informant sa Daet, Camarines Norte.
Alas-otso ng gabi nang natagpuan ang kaniyang katawan na tadtad ng tama ng bala sa Lupi, Camarines Sur.
Binigyan diin ni Aquino na mas magiging agresibo sila na tapusin ang war on drugs bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Facebook Comments