Pagpatay sa isang Pinay Domestic Worker sa Kuwait, ikinagalit ng Malacañang

Ikinagalit ng Malacañan ang pagpatay sa isang Pinay OFW sa kamay ng kanyang employer sa Kuwait.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maituturing na paglabag sa Labor Agreement ng Kuwait at Pilipinas ang sinasabing pagpatay kay Jeanelyin Villavende.

Nagpaabot na rin ang Palasyo ng pakikiramay sa pamilya  ng biktima.


Aniya, nakikipag-ugnayan na ang Dept. of Foreign Affairs (DFA) sa mga awtoridad sa Kuwait para mabigyan ng hustisya ang pamilya ng pinaslang.

Nangako ang pamahalaan na magbibigay ito ng tulong para agad na naiuwi sa bansa ang labi ng pinaslang na OFW.

Facebook Comments