Pagpatay sa isang piskal, pina-iimbestigahan na sa NBI

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation ang pagpatay sa isang provincial prosecutor ng Rizal.

Si Prosecutor Maria Ronatay ay napatay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Rizal kahapon July 18.

Sinabi ni Aguirre na inatasan na nya si NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at case build up.


Kasunod nito nakikiramay ang DOJ sa naulilang pamilya ni piskal Ronatay.

Para naman matiyak ang seguridad ng mga prosecutors na humahawak ng ibat ibang kaso, sinabi ng kalihim na tinutulungan nila ang kanilang mga piskal na agad makakuha ng license to carry firearms bilang dagdag na protective measure.

 

Facebook Comments