Pagpatay sa isang prosecutor ng pamahalaan, mariing kinondena ng DOJ

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Department of Justice (DOJ) ang pinakahuling insidente ng pagpatay sa isang prosecutor ng pamahalaan.

Kasabay nito, inatasan na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang isang team ng NBI para magtungo sa pinangyarihan ng pag-ambush at imbestigahan ang pagpatay kay prosecutor Diosdado Azarcon.

Inaalam na rin ng DOJ kung may mga kontrobersyal na kasong hinawakan si Azarcon na posibleng ugat ng pag-ambush dito.


Sinasabing malapitan binaril ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at balikat matapos tambangan ng mga nakamotorsiklong suspek paglabas ng bahay nito sa 9th Avenue kanto ng Galauran Street, Barangay 63 sa Caloocan City kaninang umaga.
DZXL558

Facebook Comments