Pagpatay sa isang pulis, reresolbahin ng bubuoing SITG

Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Eastern Police District o EPD para malutas ang pagpatay kay Senior Master Sgt. Solomon Cugay sa EDSA Connecticut, San Juan City.

Ayon kay Brig. Gen. Christopher Tambungan, hepe ng EPD, kabilang sa SITG ang ilang pulis ng EPD, NCRPO, crime laboratory unit at intelligence unit ng San Juan police.

Partikular aniya nilang tutukan ang paghahanap ng kopya ng CCTV sa paligid ng crime scene.


Pag-aaralan rin aniya ng SITG ang nakalipas na assignment ng biktima para matukoy kung may kinalaman sa kaniyang trabaho ang pagpatay kay Cugay.

Una nang kinumpirma ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na dating kabilang sa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cugay pero kalaunan ay naialis rin ang pangalan nito sa listahan.

Facebook Comments